"ISKOLAR"
Sa hirap ng buhay ngayon marahil isa na lamang suntok sa buwan ang makapag tapos ng kolehiyo. Marami sa mga gumagraduate ng high school ay hindi man lang makakatapak sa mga Unibersidad o Kolehiyo. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang katotohanan at ayon sa datos ng ating pamahalaan sa isang daan nag aaral sa unang baitang, labing apat lamang ang makakatapos ng kolehiyo.
Kapag sinabing "iskolar" ang unang pumapasok sa isipan ng nakakarami ay matatalino, masipag at mahusay mag aral. Napakasarap pakinggan ang mga katagang ito ngunit paano na lamang kung hindi ka nabiyayaan ng talino o husay sa pag aaral? Maari ka pa rin kayang makuha ng scholarship? Para lamang ba sa matatalino ang scholarship?
Iyan ang ilan sa mga tanong ko sa aking isipan noong ako ay nag aaral sa sekondarya, isa ako sa mga batang hindi biniyayaan ng magandang buhay ngunit masaya dahil buo ang aking pamilya. Maraming bagay ang bumabagabag sa aking isip, gusto kong ituloy ang aking pag aaral hanggang kolehiyo. Maswete akong maituturing dahil isa ako sa mapapalad na nabiyayaan ng pag kakataon ng La Verdad Christian College na makapag aral sa kolehiyo.
Masaya dahil sa wakas ito ang katuparan ng kahilingan namin ng magulang ko, ngunit kasama dito ang hirap sapagkat wala namang madaling kurso sa kolehiyo. Kung kaya ganoon na lamang ang aking pag papasalamat sa Dios dahil mayroong ganitong klase na eskwelahan na nag bibigay ng libreng edukasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento