Biyernes, Setyembre 6, 2013

UNTV Cup


UNTV Cup: AFP tinambakan ang DOJ



Tinambakan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang Department Of Justice o DOJ sa puntos na 117-71, sa ginanap na UNTV Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nanguna si Winston Sergio na nakapuntos ng 25 at 11 dito ay naganapa sa unang yugto ng laro. Samantala, pinipilit naman ng DOJ na humabol ng puntos.

Gaganapin ang torneo tuwing linggo upang mabigyan ng ng pag kakataon  na maipakita ang galing ng mga manlalaro na galing pa sa mga sangay ng ating gobyerno.

Samantala sinimulan ang seremonya sa maikling panalangin mula kay Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan at ang palarong ito ay pinangungunahan ni Bro. Daniel Razon na Chairman at CEO ng BMPI.

Layunin ng UNTV Cup na makatulong sa mga nangangailangan, samantala ang mag wawaging kuponan ay mag uuwi ng P1 milyon at ang kalahati nito ay kanilang ibibigay sa  kanilang napiling charitable institution.

                                                                                                                                       -Straight News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento